Ni: Leo Jay A. Hilamon
Nakaligtas ang ITED blue eagles sa tangkang pag agaw ng ILEGG Lions para sa kampeonato ng badminton men’s category. Habang walang pag- atubiling hinambalos ng maiinit na smash mula sa ILEGG Lioness laban sa kanilang katunggali para sa badminton women’s category finals.
Sa mahigpit na Game 1 sa pagitan ng Institute of Teacher Education at Institute of Leadership, Entrepreneurship and Good Governance men’s badminton division, tinuldukan ng ITED blue Eagles ang laban sa ILEGG Lions habang ang Game 2 ay napuno ng matitinding back-to-back blows mula sa bawat koponan na humahantong sa Game 3 kung saan sa iginupo ng ITED ang ILEGG.
Nang hingin ang paglalarawan sa kanilang mainit na clash sa mga manlalaro ng ILEGG, ito ang sinabi ng ITED blue eagles.
“Grabe, lisod g’yud, lisod kaayo [kalabanon] ang ILEGG tapos kami naningkamot lang g’yud mi diri aron makuha ang championship”.
Bagamat nakalipad man tungo sa kampeonato ang ITED men’s badminton, mailap ang rurok ng tagumpay para sa mga pambato nito para sa women’s badminton matapos makatikim ng bagsik mula sa ILEGG lioness. Nagpakawala ng back-to-back blasts ang mga manlalaro ng women’s division. Gayunpaman, hindi nagdalawang isip ang ILEGG Lioness na patalasin ang mga kuko nito at ipinako ang mga kalaban nito.
Ibinahagi ni Rochelle Melecio, isa sa mga badminton women players ng ILEGG sa The Davao Reef News ng kanilang mga diskarte sa paglalaro ng badminton.
“First na strategy na among gibuhat is gibana – bana namo ang among mga kalaban para makabutang mi’g tama nga player na ilaban. Second, during the game focus g’yud mi para makuha ang top place”.