Ni: Jovelyn Enriquez
LUNGSOD NG PANABO – Dinomina ng pambato ng Institute of Computing na si Michael Cuamag para men’s category ng 17th Kalibulung Chess Tournament. Samantalang sa women’s category, binaliktad ni Vanessa Cha Salvalosa ng Institute of Teacher Education ang laro sa nang pataubin ang kanyang final rival para sa championship.
Idineklarang kampeon ang dalawa matapos talunin ang iba pang mga manlalaro sa kani – kanilang kategorya. Para sa men’s category, nasungkit ni Nicolas Bucog ng IAAS ang ikalawang puwesto, kasunod si Kevin Mahinay para sa pangatlong puwesto at si Lion Jaime Delfin para sa ika-apat na puwesto.
Para naman sa women’s category, pumangalawa si Zenny Caman, habang si Susa Sajul naman ang nakakuha ng ikatlong puwesto. Nilalaro ang nasabing kompetisyon sa Room 203, DNSC – Multipurpose Educational Building (MPEC).